24 Oras Express: December 10, 2020 [HD]


3 Просмотры

Издатель
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Huwebes, December 10, 2020:

- Paggamit ng torotot, ipinagbabawal muna ng DOH para iwas-hawaan sa COVID-19

- Pagkanta sa karaoke sa mga pampublikong lugar, nirekomendang ipagbawal para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

- Duathlon race na may permiso raw ng LGU, lumabag sa health protocols dahil sa pagtitipon ng mga tao

- Maaaring maging mitsa ng hawaan ang pagtitipon ng mga magkakaanak ngayong Pasko, ayon sa mga eksperto

- Naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw: 1,383

- Mga LGU ng Bulacan, naglabas ng manifesto para hilingin sa NLEX na ipatigil ang RFID system at ibalik ang cash lanes

- Unang 6 na bagong Blackhawk Helicopter mula Poland, nai-turn over na sa PHL. Air Force

- Giit ng misis ng inarestong si Dennise Velasco, lumabag sa police protocol at nagtanim ng ebidensya ang mga nang-aresto

- Proyektong magbibigay raw ng mas maayos na sidewalk, inirereklamo dahil magdudulot umano ng matinding traffic

- Joey Albert, nakalikom ng pantulong sa mga biktimang bagyong ulysses sa pamamagitan ng online performances

- Walong suspek na ang modus ay pagkakitaan ang mga gamot na para sana sa mga nagda-dialysis, arestado

- QC Mayor Belmonte, hinikayat ang publiko na pumasyal sa mga parke para sa mental health

- Mahigit 1,000 na taga-makati na 4-anyos, binigyan ng pre-kindergarten learner's package

- Sunod-sunod na pambabasag sa bintana ng mga nakaparadang sasakyan at nakawan, naitala sa iba't ibang lugar sa Pampanga

- Dating 4-division boxing champ nonito donaire, nag-back out sa laban sa Dec. 19 matapos magpositibo sa COVID-19

- Isa sa mga suspek sa pagpatay sa abogadong si Joey Wee sa Cebu City, arestado sa Laguna

- Low Pressure Area na tumawid ng Southern Luzon, nasa West PHL Sea na at posibleng lumabas ng PAR sa Biyernes o Sabado

- Gardo Versoza, good vibes ang hatid sa kanyang TikTok challenge habang nasa set

- MGB: Hindi kakayanin ng marikina watershed na sipsipin ang tubig na ibinagsak ng Bagyong Ulysses kahit ipahinto ang urban dev't, quarrying, at magtanim ng puno

- Iba't ibang grupo, idinaan sa protesta ang kanilang mga panawagan ngayong International Human Rights Day

- 7 miyembro umano ng BIFF na nagpanggap na bahagi ng MILF, arestado

- Babae, patay matapos martilyuhin sa ulo ng kanyang asawa

- Makukulay na parol na gawa sa Christmas Capital of the Philippines, pinailawan sa Cultural Center of the Philippines

- Andrea Torres, masayang makatrabaho ang ilang premyadong artista sa "Legal Wives"

- Magkakaibigan, binuo ang "Online Ambagan" para makalikom ng pondo para sa mga frontliner, jeepney driver at biktima ng bagyo

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV () for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online () for more.

For the latest updates about the COVID-19 pandemic, click this link:

You can watch 24 Oras and other Kapuso programs overseas on GMA Pinoy TV. Visit to subscribe.

GMA promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

Subscribe to the GMA News channel:

Visit the GMA News and Public Affairs Portal:

Connect with us on:
Facebook:
Twitter:
Instagram:

#GMANews
Категория
Новости криптовалют
Комментариев нет.